Pagboto Sa Koreo

Permanenteng Balotang Pangkoreo
- Ang sinumang botante ay maaaring tumanggap ng isang balotang pangkoreo para sa anumang eleksyon. Upang mag-aplay para sa isang permanenteng balotang pangkoreo, mag-sign up dito
Aplikasyon para sa Permanenteng Balotang Pangkoreo »
- Ang inyong mga materyales sa pagboto ay awtomatikong ipapadala sa inyo bago ang bawat eleksyon
- Kung nagpasya kayong bumalik sa mga botohan upang bumoto, maaari ninyong baguhin ang inyong katayuan sa balotang pangkoreo gamit ang porma na ito »
Mayroong mga katanungan? Tumawag sa (858) 565-5800 o mag-email sa amin ROVMail@sdcounty.ca.gov
Pansamantalang Balotang Pangkoreo
- Hindi ba ninyo kayang pumunta sa mga botohan sa Araw ng
Eleksyon, ngunit karaniwang nagnanais na bumoto nang personal sa
botohan?
- Maaari kayong mag-aplay para sa isang-beses na balotang pangkoreo 60 hanggang 7 araw bago ang susunod na Araw ng Eleksyon
- Aplikasyon para sa Balotang Pangkoreo – Pansamantala »
- Inirerekomenda namin na kayo ay mag-aplay nang hindi bababa sa
30 araw bago ang susunod na eleksyon upang masigurong matatanggap at
maibabalik ninyo ang inyong balota sa tamang oras
- Maaari rin kayong tumawag sa (858) 565-5800 upang humiling ng isang pansamantalang balotang pangkoreo
- Maaari
ninyong mahanap ang aplikasyon para sa balotang pangkoreo sa likod
na cover ng inyong Sampol na Balota at Pamplet ng Impormasyon para
sa Botante, o maaari kayong sumulat sa amin at isama ang:
- inyong pangalan sa mga letrang naka-print
- adres ng inyong tirahan
- inyong adres pangkoreo kung iba sa adres ng inyong tirahan
- pangalan at petsa ng eleksyon
- at inyong pirma
- Ipadala o i-fax ang
inyong aplikasyon para sa balotang pangkoreo
- Registrar of Voters, P.O. Box 85520, San Diego, CA 92186-5520
- Fax: 858-505-7294
IMPORTANTENG MGA HAKBANG KAPAG BUMUBOTO SA INYONG BALOTANG PANGKOREO
- Matatanggap ninyo ang inyong balotang pangkoreo sa pagitan ng 29 at 7 araw bago ang Araw ng Eleksyon
- Sundin ang mga instruksyon para sa pagmarka (pagboto) sa inyong balotang pangkoreo
- Ilagay ang inyong minarkahang (binotohang) balota sa opisyal na sobreng pagbabalik at isara ito
- PIRMAHAN at PETSAHAN ang labas ng sobre at gumamit ng tamang selyo
- Kung ipinakoreo ninyo ang inyong balota at nakalimutang pirmahan ang labas ng sobre, mangyaring gamitin ang pormang ito upang ipadala ang inyong pirma sa amin
Dapat ninyong PIRMAHAN AT PETSAHAN ang sobre o ang pormang ito, nang sa gayon ay maibibilang ang inyong balota!


Pagbabalik ng Inyong Balotang Pangkoreo
Maaari ninyong ipadala ang inyong balota sa adres sa itaas ng Tagapagrehistro ng mga Botante o maaari ninyo iyong ihulog:
- Sa isa sa mga itinalagang drop-off location ng balotang
pangkoreo sa buong county. Hanapin ang isa na malapit sa
inyo »
- Sa opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante sa anumang oras Lunes - Biyernes, ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon
- Sa Araw ng Eleksyon, sa anumang botohan, sa pagitan ng ika-7 ng umaga at ika-8 ng gabi
- O, kung kayo ay
wala sa County ng San Diego, maaari ninyong ibalik ang inyong
balotang pangkoreo sa alinmang lokasyon ng botohan, drop-off
location o sentro ng pagbobotohan sa buong Estado ng California
- Mangyaring tandaang ang mga opisyal ng eleksyon sa ibang county ay mayroong hanggang walong araw upang ipadala ang inyong balota sa amin
- Kung ipapadala ninyo ang inyong balota, ito ay dapat na may tatak-pangkoreo sa o bago ang Araw ng Eleksyon at dapat namin itong matanggap sa hindi lalampas ng Biyernes pagkatapos ng Araw ng Eleksyon
Kung kailangan ninyo ng tulong sa wika sa Chinese, Filipino, Spanish o Vietnamese, mangyaring kontakin kami sa 858-565-5800.
Kailangan ba ninyo ng pangalawang balotang pangkoreo?
Kung kailangan ninyo ng pangalawang balotang pangkoreo dahil nasira, nawala, o nagkamali kayo sa inyong unang balotang pangkoreo, tumawag sa (858) 565-5800.
Subaybayan ang Inyong Balotang Pangkoreo
Maaari ninyong kumpirmahin na ang inyong balotang pangkoreo ay natanggap ng Tagapagrehistro ng mga Botante sa pamamagitan ng pagpunan sa pormang ito »
