Bumoto Nang Mas Ligtas San Diego


Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng San Diego ay nakatuon sa pagsiguro na ang mga botante ay maaaring gamitin ang kanilang karapatan na bumoto sa isang ligtas, secure at accessible na paraan sa panahon ng Ika-6 ng Abril, 2021 na Espesyal na Primarya, Eleksyon ng Ika-79 na Asembleya ng Estado.
Dahil sa pangyayari ng COVID-19 Pandemic, ang bawat aktibong nakarehistrong botante sa Distrito ng Ika-79 na Asembleya ng Estado ay makakatanggap ng isang balota sa koreo para sa darating na eleksyon.
Hindi sigurado kung kayo ay nakatira sa distrito ng Ika-79 na asembleya? Maaari ninyong malaman dito.
Ano ang kailangan ninyong gawin?
Paghandaan Ang Pagboto!
- Check ang inyong impormasyon sa rehistrasyon. Siguraduhing ang inyong tirahan at, kung naiiba, inyong adres pangkoreo ay napapanahon.
- Kayo ba ay lumipat o nagpalit ng inyong pangalan? Kung bago kayo sa County ng San Diego o lumipat lamang sa ibang kalye, kailangan ninyong muling magparehistro para makaboto.
- Kayo ba ay isang first-time na botante? Magparehistro para Makaboto – ito ay magagawa ng mas mababa sa 2 minuto!
Bumoto Nang Mas Ligtas San Diego!
Hinihikayat namin kayo na bumoto nang mas ligtas sa tirahan at ginagawa naming mas madali ito para sa inyo. Ang mga balota ay magsisimulang ipadala halos isang buwan bago ang Araw ng Eleksyon, na binibigyan kayo ng maraming oras upang markahan ang inyong balota at ibalik ito sa koreo.

Ang pagboto sa koreo ay:
SIMPLE. Isang balotang pangkoreo, mga instruksyon at “Bumoto Ako” na sticker ang ipapakoreo sa lahat ng mga nakarehistrong botante simula Ika-8 ng Marso.
SAFER. Pagdesisyunan ang mga iboboto at markahan ang inyong balota nang komportable sa tirahan.
SECURE. I-seal ang inyong nakumpletong balota sa inyong postage paid na sobre. Siguraduhing pirmahan ito, petsahan ito, at ibalik ito kaagad sa pamamagitan ng koreo upang tiyak na matanggap ito bago ang Araw ng Eleksyon. Ang inyong pirma ay ini-rerequire para mabilang ang inyong balota! I-pirma ang inyong pangalan katulad sa inyong rehistrasyon ng pagboto. O, kung kayo ay nagparehistro para makaboto sa DMV, i-pirma ang inyong pangalan gaya ng nakikita sa inyong driver’s license o identification card..
Maaari din ninyong ibalik ang inyong nakumpletong balota sa isa sa iilang mga lokasyon ng mail ballot drop off sa buong Ika-79 na asembleya ng distrito sa pagitan ng Lunes, Ika-29 ng Marso at Araw ng Eleksyon. Kung i-drop off, ito ay dapat matanggap sa o bago ang ika-8 ng gabi sa Araw ng Eleksyon. Ang lahat ng mga lokasyon ng mail ballot drop off ay magsasara sa Miyerkules, Ika-31 ng Marso para sa obserbasyon ng Cesar Chavez Day.

Kung binalik ninyo ang inyong balota sa pamamagitan ng US Postal
Service, maaari ninyong i-track ito sa pamamagitan ng pag-sign up para
sa “Nasaan Ang Aking Balota?” Mag-sign up na ngayon upang makatanggap ng mga
notipikasyon.
Ang mga balota ay magsisimulang ipakoreo sa lahat ng mga nakarehistrong botante sa linggo ng Ika-8 ng Marso. Kung kayo ay nakatira sa distrito ng Ika-79 na asembleya at hindi pa ninyo natanggap ang sa inyo sa Ika-16 ng Marso, tumawag sa Tagapagrehistro ng mga Botante sa (858) 565-5800.
Magkakaroon ba ng mga lugar ng botohan?
OO. Ang mga lugar ng botohan ay magbubukas sa Araw ng Eleksyon, Martes, Ika-6 ng Abril mula ika-7 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi. Magkakaroon ng mas kaunting mga lokasyon kaysa noong mga nakaraang eleksyon, kung gayon ang inyong lokasyon ay malamang nagbago.

Kung kailangan ninyong bumoto nang in-person, hinihikayat namin kayong samantalahin ang maagang pagboto sa Sa opisina ng Tagapagrehistro simula Ika-8 ng Marso, Lunes hanggang Biyernes mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.
Siguraduhing pumunta kayo sa inyong itinalagang lugar ng botohan. Maaari ninyong mahanap ang inyong itinalagang lugar ng botohan sa loob ng inyong pakete ng balotang pangkoreo o maaari ninyong tingnan ito online.
Maging handa. Markahan ang inyong mga seleksyon sa inyong pamplet ng sampol na balota at impormasyon para sa botante nang maaga para mabilis ninyong mapupunan ang opisyal na balota sa voting booth.

Dalhin ang inyong face mask at planuhin na panatilihin ang social distance. Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay sumusunod sa mga public health order ng County at magkakaloob ng mga makatwirang accommodation kung kailangan upang siguruhing ang kalusugan at kaligtasan ng lahat ng mga election worker, botante, at observer sa aming opisina at mga lugar ng botohan.
Dagdagan ang kaalaman tungkol sa 2021 na Espesyal na Primarya, Eleksyon ng Ika-79 na Asembleya ng Estado.
