Tanggapin ang Inyong Pamplet ng Impormasyon ng Botante sa pamamagitan ng Email
Ang Pamplet ng Impormasyon ng Botante ng County ay isang buklet na ipinapadala sa mga botante bago ang bawat eleksyon. Naglalaman ito ng impormasyon tungkol sa inyong mga opsyon sa pagboto, mga pahayag ng mga kandidato, mga paliwanag ng mga panukala sa balota, at kasama ang isang sampol ng magiging hitsura ng inyong opisyal na balota.
Karamihan sa mga botante ay nakakatanggap ng papel na kopya sa koreo. Ngunit sa halip, maaari ninyong piliing matanggap ang inyong pamplet sa pamamagitan ng email.
Paano ako mag-sign up para sa elektronikong pamplet?
Maaari kayong mag-sign up upang matanggap ang inyong pamplet nang elektroniko sa website ng Sekretarya ng Estado ng California (California Secretary of State).
Upang mag-sign up, kakailanganin ninyong ibigay ang inyong pangalan, petsa ng kapanganakan, at identipikasyon.
Kung pipiliin ninyo ang elektronikong pamplet na opsyon, hindi ka na makakatanggap ng papel na kopya sa koreo.
Paano ko matatanggap ang aking elektronikong gabay?
Humigit-kumulang apatnapung (40) araw bago ang eleksyon, makakatanggap kayo ng email na nagsasabi sa inyo na handa na ang inyong pamplet. Ang email ay may direktang link sa inyong pamplet.
Maaari rin ninyong hanapin ang inyong pamplet gamit ang aming online na tool sa paghahanap ng Pamplet ng Impormasyon ng Botante (Voter Information Pamphlet).