Tulong sa Wika

Nais ng Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng San Diego na ipaalam sa lahat ng botante, kabilang ang mga may limitadong kasanayan sa English. Kami ay nagbibigay ng pantay na access sa mga serbisyo at materyales. Alinsunod sa mga batas ng pederal at estado, kami ay nagbibigay ng mga tool at serbisyo na idinisenyo upang madagdagan ang access para sa mga botante na nagsasalita ng iba't ibang wika.

Ang Voting Rights Act, na pinagtibay noong 1965, ay nagre-require sa amin na magbigay ng tulong sa wika sa Spanish, Filipino, Vietnamese, at Chinese.

I-click dito upang humiling ng mga materyales sa Spanish, Filipino, Vietnamese and Chinese

Ang California Elections Code ay nagre-require sa California Secretary of State na tukuyin ang mga presinto kung saan 3% o higit pa sa mga residenteng nasa tamang-edad-ng-pagboto ay mga miyembro ng isang minorya na may iisang-wika at walang sapat na kasanayan sa English para bumoto nang walang tulong. Batay sa pagpapasiya na ito, nagbibigay kami ng ilang particular na materyales at serbisyo sa Arabic, Hindi, Hmong, Indonesian, Japanese, Khmer, Korean, Laotian, at Thai.

Upang mapagsilbihan ang mga botante ng County ng San Diego na nagsasalita ng mga wikang ito, nagbibigay kami ng mga kopya (facsimile) na balota, na isinalin na mga kopya ng mga opisyal na balota para sa mga piling presinto. Upang humiling ng kopya ng isang facsimile na balota sa pamamagitan ng koreo o email, maaari ninyo kaming tawagan sa (800) 696-0136 (toll free), (858) 565-5800 o rovmail@sdcounty.ca.gov .

Ang mga Reperensiyang balota ay isinalin na mga bersyon ng lahat ng mga kontest sa kasalukuyang eleksyon at available sa bawat vote center at online. Ang mga ito ay ibinibigay upang tulungan ang mga botante sa mga sakop na wika.

Maaari mong tingnan ang Gabay sa Impormasyon para sa Botante ng California sa mga piling wika sa pamamagitan ng pagbisita sa sos.ca.gov.

Patakaran ng Board ng County ng San Diego A-139: Access sa Wika
Sa pagsisikap na punan ang puwang sa pagbibigay ng mga serbisyo ng pamahalaan sa mga nagsasalita ng limitadong-English, itinatag ng County ang patakaran na Access sa Wika bilang isang mahalagang elemento sa tagumpay ng aming misyon na magbigay ng makabuluhang access para sa komunidad na nagsasalita ng limitadong-English na mga serbisyo, mga programa at aktibidad na inaalok ng County ng San Diego.

Upang pagsilbihan ang mga botante ng County ng San Diego na nagsasalita ng Somali at Persian, ang Tagapagrehistro ay nagbibigay ng mga reperensiyang balota, na tinatawag na mga facsimile ballot, sa mga wikang ito. Ang mga reperensiyang balota ay mga kopya ng opisyal na balota para sa mga piling presinto, na isinalin sa mga wikang ito.

Para sa karagdagang impormasyon o para humiling ng kopya ng isang reperensiyang balota sa pamamagitan ng koreo o email, maaari ninyo kaming tawagan sa (800) 696-0136 (toll free),  (858) 565-5800rovmail@sdcounty.ca.gov.

Maaari rin kayong humiling ng reperensiyang balota sa isang manggagawa sa botohan sa isang vote center (available lamang sa mga piling presinto). Kung kailangan ninyo ng tulong sa pagmamarka ng inyong balota, maaari kayong magsama ng isang tao sa vote center upang tulungan kayo.