Magparehistro Para Makaboto
I-tsek ang Inyong Rehistrasyon
Maaari ninyong i-tsek ang status ng inyong rehistrasyon ng botante sa anumang oras upang masiguro na ito ay pangkasalukuyan, at kayo ay karapat-dapat na bumoto sa susunod na eleksyon. Kayo ay dapat na nakarehistro para bumoto nang hindi bababa sa 15 araw bago ang isang eleksyon. Kung hindi kayo umabot sa deadline ng rehistrasyon para sa isang paparating na eleksyon, maaari kayong magparehistro nang kondisyonal at bumoto nang probisyonal. Alamin kung paano.
Ang pagpapakoreo ng mga materyales sa pagboto ay magsisimula 29 na araw bago ang eleksyon. Upang masigurong ang inyong mga materyales sa pagboto ay maipapadala sa inyo, mangyaring beripikahin na kayo ay nakarehistro nang tama.
I-TSEK ANG STATUS NG INYONG REHISTRASYON DITO
Kung kayo ay nagsumite kamakailan ng porma ng rehistrasyon para sa botante, mangyaring tandaan na maaaring abutin ng ilang araw upang maproseso ang inyong rehistrasyon.
Magparehistro Para Makaboto
Maaari kayong magparehistro para makaboto sa California, kung kayo ay:
- Isang Mamamayan ng Estados Unidos
- Isang Residente ng California
- Hindi bababa sa edad na 18 taon bago o sa susunod na eleksyon
- Wala sa bilangguan ng estado o pederal para sa isang peloni kumbiksyon
- Hindi idineklarang walang kakayahan ang pag-iisip sa pamamagitan ng aksyon ng korte
- 16 o 17 taong gulang at natutugunan ang lahat ng mga kinakailangan para makaboto
- Kayo ay awtomatikong rehistrado para bumoto sa inyong ika-18 kaarawan.
Click ang link sa ibaba upang magparehistro:
American Sign Language Guide to Voter Registration (English Lamang)
Nagbago ang Inyong Adres, Pangalan o Pampulitikang Partido?
Kung kayo ay lumipat kamakailan, nagbago ng inyong pangalan o nagnanais na baguhin ang inyong pampulitikang partido, kailangan ninyong muling magparehistro para makaboto. Ginagawa ninyo iyon sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang bagong aplikasyon ng rehistrasyon para sa botante. Ang kikilalanin lamang ng opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante ay ang inyong pinakabagong rehistrasyon, nang sa gayon ay hindi na ninyo kailangang kanselahin ang inyong dating rehistrasyon maliban kung kayo ay lilipat sa labas ng county.
Kard ng Notipikasyon para sa Botante
Sa loob ng dalawa hanggang apat na linggo pagkatapos magparehistro o muling magparehistro para makaboto, matatanggap ninyo ang inyong Kard ng Notipikasyon para sa Botante sa koreo. I-review ang kard na ito upang masigurong ang inyong impormasyon (preperensyang pampulitikang partido, status ng botante ng balotang pangkoreo at adres) ay inilalagay nang tama.
Kanselahin ang Rehistrasyon
Kung kayo ay lilipat sa panibagong county o estado, maaari ninyong kanselahin ang inyong lokal na rehistrasyon dito. Maaari rin ninyong gamitin ang pormang ito upang kanselahin ang rehistrasyon ng isang taong pumanaw na.
Paano Namin Ginagamit ang Inyong Impormasyon
Ang impormasyon sa inyong apidabit ng rehistrasyon ng botante ay gagamitin ng mga opisyal ng eleksyon para ipadala ang opisyal na impormasyon sa inyo sa proseso ng pagboto, tulad ng lokasyon ng inyong pinakamalapit na Vote Center, at ang mga isyu at mga kandidato na makikita sa balota. Ang komersyal na paggamit ng impormasyon ng rehistrasyon ng botante ay ipinagbabawal ng batas at ito ay isang misdemeanor. Ang impormasyon ng botante ay maaaring ipagkaloob sa isang kandidato para sa isang katungkulan, committee ng isang panukala sa balota, o iba pang mga tao para sa mga layuning pang-eleksyon, scholarly, journalistic, pulitikal, o gobyerno, gaya ng tinukoy ng Secretary of State. Ang driver’s license at mga numero ng social security, o ang inyong pirma na nakikita sa inyong kard ng rehistrasyon ng botante, ay hindi maaaring ilabas para sa mga layuning ito. Kung mayroon kayong anumang mga katanungan tungkol sa paggamit ng inyong impormasyon ng botante o nais i-report ang pinaghihinalaang maling paggamit ng naturang impormasyon, mangyaring tawagan ang Voter Protection and Assistance Hotline ng Secretary of State..
Ang ilang mga botante na nahaharap sa mga sitwasyong nagbabanta-sa-buhay ay maaaring maging kwalipikado para sa confidential voter status. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring kontakin ang Secretary of State’s Safe At Home program o bisitahin ang Internet Web site ng Secretary of State.
Paano Nagtatrabaho ang ROV: Saan napupunta ang aking rehistrasyon ng botante na impormasyon?