Language Accessibility Advisory Committee(LAAC)

Voter Accessibility Advisory Committee

Ang misyon ng Language Accessibility Advisory Committee (LAAC) ay payuhan at tulungan ang Tagapagrehistro ng mga Botante (ROV – Registrar of Voters) sa County ng San Diego sa pagpapatupad ng mga batas pederal at estado na may kaugnayan sa pag-access sa proseso ng eleksyon ng mga botante na may Limitadong Kasanayan sa Ingles o Limited-English Proficiency (LEP), na sinisiguro na lahat ng mga botante ay maiintindihan ang proseso ng pagboto.

Layunin

  • Magpayo at tumulong sa mga opisyal ng County sa mga eleksyon na may mga programang outreach at mga materyales na may kinalaman sa accessibility ng wika.
  • Nag a-assist sa pag-recruit ng mga bilingguwal na mga manggagawa sa eleksyon kung kinakailangan upang maglingkod sa mga komunidad na may mga populasyon ng LEP.
  • Magbigay ng mga rekomendasyong kinikilala at inuuna ang mga aktibidad, programa, at patakaran upang masiguro ang pag-access sa opisyal na balota at mga materyales sa eleksyon.
  • Magbigay ng expertise sa mga hamon sa accessibility ng wika sa kani-kanilang mga komunidad.

Mga Wika at/o Mga Komunidad na Sakop

Pederal
  • Chinese
  • Filipino
  • Spanish
  • Vietnamese
  • Native American
  • Estado
  • Arabic
  • Japanese
  • Korean
  • Laotian
  •  
    County
  • Persian
  • Somali
  •      

    Aplikasyon

    Upang maging isang miyembro ng Language Accessibility Advisory Committee, mangyaring siguraduhing i-download at kumpletuhin ang Aplikasyon para sa LAAC at isumite sa pamamagitan ng pag-email sa ROVmail@sdcounty.ca.gov

    Maaari rin ninyong ipakoreo ang inyong aplikasyon sa:

    Language Services - LAAC
    Registrar of Voters
    5600 Overland Ave.
    San Diego, CA 92123

    Mga Kontak sa Pagiging Miyembro

    rov-line

    2024 Iskedyul ng Miting

    Ang mga petsa at oras ay maaaring magbago.

    Combined Language Accessibility Advisory Committee

    Lokasyon:
    Virtual na Miting

    Oras:
    ika-6 ng gabi hanggang ika-7 ng gabi (Virtual na Miting maliban kung may ibang abiso)

    Mga Petsa:

    Miyerkules, Ika-24 ng Enero, 2024 Virtual na Miting/Kumperensiyang Pagtawag
    Miyerkules, Ika-24 ng Abril, 2024 Virtual na Miting/Kumperensiyang Pagtawag
    Miyerkules, Ika-24 ng Hulyo, 2024 Virtual na Miting/Kumperensiyang Pagtawag
    Miyerkules, Ika-09 ng Oktubre, 2024 Virtual na Miting/Kumperensiyang Pagtawag

    Para sa higit pang impormasyon mangyaring kontakin ang (858) 505-7202.

    flag_header