Impormasyon sa Eleksyon

Ika-2 ng Hunyo, 2026, Gubernatoryal na Primaryang Eleksyon

Sa ilalim ng California Voter’s Choice Act, ang bawat aktibong rehistradong botante sa County ng San Diego ay makakatanggap ng balota sa pamamagitan ng koreo.

Kumpirmahin na ikaw ay nakarehistro upang bumoto. Kung may nagbago, kumpletuhin ang isang bagong rehistrasyon ng botante online.


Ang Inyong mga Opsyon sa Pagboto

1. Bumoto sa Pamamagitan ng Koreo

Ang lahat ng aktibong rehistradong botante ay makakatanggap ng balota sa pamamagitan ng koreo sa linggo ng Ika-4 ng Mayo.

Maaari ninyong punan ang inyong balota sa bahay ayon sa inyong kaginhawaan. Pagkatapos bumoto:

  • Pirmahan at petsahan ang inyong sobreng pagbabalikan
  • I-Seal ang inyong nakumpletong balota sa loob
  • Ibalik ang inyong balota sa alinman sa mga sumusunod na paraan:  

Ipakoreo Ito:

Ibalik agad ang inyong balota sa pamamagitan ng U.S Portal Service. Dapat itong ma-postmark nang hindi lalampas sa Martes, Ika-2 ng Hunyo.

Ihulog Ito:

Simula Martes, Ika-5 ng Mayo, hanggang ika-8 ng gabi, sa Martes, Ika-2 ng Hunyo, ihulog ang inyong balota sa alinman sa mga opisyal na ballot drop box ng Tagapagrehistro na matatagpuan sa buong county.

2. Bumoto nang Personal

Kung mas gusto ninyong bisitahin sa isang vote center, maaari ninyong dalhin ang inyong balotang ipinadala sa koreo o bumoto sa isang Ballot Marking Device (BMD). Mayroon kayong ilang pagkakataon sa panahon ng maagang pagboto upang ihulog ang inyong balota:

  • Simula Sabado, Ika-23 ng Mayo:
    • Ang mga piling vote center ay magbubukas araw-araw mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.
  • Simula Sabado, Ika-30 ng Mayo:
    • Ang lahat ng vote center ay magbubukas araw-araw mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.
  • Araw ng Eleksyon – Martes, Ika-2 ng Hunyo:
    • Ang lahat ng vote center, mga opisyal na ballot drop box, at ang opisina ng Tagapagrehistro ay magbubukas mula ika-7 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi.



Ano ang nasa Aking Balota?

Ang Inyong Pamplet ng Impormasyon para sa Botante ay magiging available online sa lalong madaling panahon.


Mga Paparating na Eleksyon:

Ika-3 ng Nobyembre, 2026, Pangkalahatang Gubernatoryal na Eleksyon