Kahilingan para sa Pamalit na Balota sa Pamamagitan ng Koreo

Deadline: Ang huling araw para humiling ng pamalit na balota ng pagboto-sa-pamamagitan-ng-koreo para sa Ika-4 ng Nobyembre, 2025, Espesyal na Eleksyon ay Ika-28 ng Oktubre, 2025, bago mag ika-5 ng hapon.

Kung hindi mo pa natatanggap ang inyong balota ng pagboto-sa-pamamagitan-ng-koreo o nawala o nasira ang inyong orihinal, mangyaring makahingi ng pamalit na balota gamit ang alinman sa sumusunod na paraan:

Kung gusto ninyong bumoto nang personal, maaari kayong bumisita sa alinmang vote center sa buong County:

  • Simula Sabado, Ika-25 ng Oktubre, ang piling mga vote center na kumbenyenteng matatagpuan sa buong county ay magbubukas araw-araw mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.
  • Simula Sabado, Ika-1 ng Nobyembre, lahat ng vote center ay magbubukas araw-araw mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon hanggang Ika-3 ng Nobyembre.
  • Sa pinal na araw ng pagboto, Martes, Ika-4 ng Nobyembre, lahat ng vote center, opisyal na ballot drop box at ang opisina ng Tagapagrehistro ay magbubukas mula ika-7 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi.

Aplikasyon upang Magbigay ng Balotang Pagboto-sa-pamamagitan-ng-Koreo sa Representante

Kung hindi ninyo personal na makuha ang pamalit na balota para sa pagboto-sa-pamamagitan-ng-koreo, maaari kayong magtalaga ng isang representante upang makuha ito para sa inyo.