Madalas na Katanungan (FAQ) tungkol sa Ballot Drop Box

Expand All | Collapse All

  • Ano ang isang ballot drop box at bakit nandiyan ang mga ito?

    Ang ballot drop box ay isang secure na opsyon para sa mga botante upang secure na maideposito ang kanilang balotang pangkoreo.

  • Paano ko ibabalik ang aking balota gamit ang ballot drop box?

    Markahan ang inyong balotang pangkoreo, ilagay ito sa sobreng pagbabalikan, pagkatapos ay pirmahan at petsahan ang sobre. Itulak ang IHULOG ANG BALOTA RITO (INSERT BALLOT HERE) na takip (flap) upang maideposito ang inyong nakumpletong balotang pangkoreo sa alinman sa mga opisyal na ballot drop box ng Tagapagrehistro ng mga Botante na matatagpuan sa buong County ng San Diego. Kinakailangan ang inyong pirma para mabilang ang inyong balota.

  • Ano ang hitsura ng mga ballot drop box?

    Madaling makilala ang mga ballot drop box ng County ng San Diego. Ang mga ito ay kulay pula, puti, at asul, nakalagay ang logo ng Tagapagrehistro ng mga Botante, at malinaw na may tatak na “Opisyal na Ballot Drop Box” ("Official Ballot Drop Box").

  • Ilan ang mga lokasyon ng ballot drop box ang mayroon at saan matatagpuan ang mga ito?

    Nag-iiba ang bilang ng mga ballot drop box sa bawat eleksyon at ito ay  tinutukoy batay sa bilang ng mga nakarehistrong botante. Alinsunod sa batas sa eleksyon ng California, kinakailangan ng isang ballot drop box para sa bawat 15,000 nakarehistrong botante.

    Inilalagay ang mga ballot drop box sa buong county sa mga aksesible na pampublikong lokasyon tulad ng mga aklatan, parke ng county, pamilihan, istasyon ng bumbero, at mga sentro ng pangkalusugan sa county. Maaaring matagpuan ang mga ito sa loob o labas ng gusali, at ang ilan ay permanenteng nakakabit habang ang iba naman ay pansamantalang inilalagay para sa isang partikular na eleksyon.

    Tingnan ang kumpletong listahan ng mga lokasyon ng opisyal na ballot drop box sa sdvote.com. Mayroon ding listahan ng mga lokasyon sa inyong Pamplet ng Impormasyon ng Botante.

  • Kailan inilalagay at inaalis ang mga pansamantalang nailagay na ballot drop box?

    Ang mga pansamantalang nailagay na ballot drop box ay karaniwang ipinupuwesto dalawang linggo bago ipadala ang mga balota sa mga rehistradong botante at inaalis naman sa loob ng ilang linggo pagkatapos ng eleksyon, depende sa iskedyul ng operasyon. Nananatiling secure na nakakandado ang lahat ng ballot drop box bago at pagkatapos ng opisyal na panahon ng pangongolekta ng balota upang matiyak na walang balotang maisusumite sa labas ng awtorisadong panahon ng pagboto.

  • Kailan nagbubukas ang mga ballot drop box para sa isang eleksyon?

    Nagbubukas ang mga ballot drop box 30 araw bago ang isang eleksyon at nagsasara sa ika-8 ng gabi sa gabi ng eleksyon, alinsunod sa batas sa eleksyon ng California. 

  • Gaano kadalas kinokolekta ang mga balota mula sa mga ballot drop box?

    Ang mga balotang inilalagay sa mga drop box ay regular na kinokolekta sa buong panahon ng botohan, na may pagtaas ang dalas ng pangongolekta habang papalapit ang Araw ng Eleksyon. Maaaring mabago ang mga pagitan ng pagkuha depende sa dami ng gumagamit.

  • Sino ang awtorisadong mangolekta ng mga balota mula sa mga drop box?

    Tanging ang mga Ballot Retrieval Team ng Tagapagrehistro ng mga Botante ang awtorisadong mangolekta at magdala ng mga balota, upang matiyak ang seguridad ng tuloy-tuloy na pagsubaybay sa pag-iingat at paglilipat (chain of custody) mula sa ballot drop box hanggang sa opisina ng eleksyon. Ang lahat ng miyembro ng Ballot Retrieval Team ay sumasailalim sa pagsusuri sa mga rekord (background check)  bago sila tanggapin at sanayin.

  • Paano ko malalaman kung natanggap at nabilang na ang aking balota?

    Maaari ninyong tingnan ang inyong rekord ng pagboto sa sdvote.com. Habang naroon, mag-sign up para sa Nasaan ang Aking Balota? (Where's My Ballot?) English lamang upang masubaybayan ang inyong balotang pangkoreo. Ito ay magbibigay-alam sa inyo kapag naipadala sa koreo, natanggap, at nabilang na ng Tagapagrehistro ng mga Botante ang inyong balota.

  • Secure ba ang ballot drop box?

    Kasama sa mga box ang dalawahang mekanismo ng pagkakandado, proteksyon laban-sa-pakikialam (anti-tampering), mga pinatibay na bahagi na hindi madaling buksan (pry-resistant), at sistemang pamatay-sunog upang matiyak na mananatiling secure ang mga balota kapag naideposito na.

    Tuwing eleksyon, kapag may mga balota nang nakalagay sa mga drop box, naglalagay kami ng seal na magpapakita ng anumang pagtatangkang pakialaman (tamper-evident seal) ang bawat box. Tinitiyak naming tugma ang numero ng seal sa aming tuloy-tuloy na pagsubaybay sa pag-iingat at paglilipat (chain-of-custody) log at idinodokumento namin ang bawat hakbang upang matiyak ang integridad at transparensiya ng proseso ng paghawak ng balota.

  • Ano ang mangyayari sa aking balota kung magkaroon ng masamang lagay ng panahon matapos ko itong ihulog sa ballot drop box?

    Ang mga ballot drop box ng San Diego ay weatherproof upang matiyak na nananatiling secure ang mga balota sa anumang kondisyon ng panahon.

  • Mayroon bang ballot drop box sa bawat lungsod ng County ng San Diego?

    Tinitiyak ng County ng San Diego na ang bawat munisipalidad ay mayroong kahit isang opisyal na ballot drop box. Ang kabuuang bilang ng mga drop box ay nakabatay sa bilang ng mga nakarehistrong botante sa bawat munisipalidad at sa pangangailangan ng mga botante.

  • Maaari ko bang ihulog ang aking balota sa alinmang drop box sa county?

    Maaari ninyong gamitin ang alinmang ballot drop box sa County ng San Diego upang ibalik ang inyong balota.

  • Aksesible ba ang mga ballot drop box para sa mga botanteng may kapansanan?

    Oo, ang mga ballot drop box ay compliant sa Americans with Disabilities Act (ADA), na nagbibigay daan sa paghulog gamit ang isang kamay sa taas na naaayon sa ADA. Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay nagsasagawa ng isang accessibility survey para sa lahat ng posibleng lokasyon ng ballot drop box upang matiyak na madali ang mga itong magagamit.

  • Regular bang minomonitor o iniinspeksyon ang mga ballot drop box?

    Sa panahon ng eleksyon, regular na binabantayan at iniinspeksyon ng Tagapagrehistro ng mga Botante ang bawat lokasyon upang matiyak ang seguridad at wastong operasyon. Para sa mga permanenteng nakakabit na drop box, kapag walang eleksyon, nananatili silang secure na nakakandado at iniinspeksyon sa mas madalang na iskedyul.