Alamin Ang Mga Katotohanan Tungkol Sa Paparating Na Eleksyon

Sa ilalim ng Batas ng Pagpili ng mga Botante (Voter’s Choice Act) ang bawat aktibong rehistradong botante sa County ng San Diego ay makakatanggap ng isang balota sa koreo para sa lahat ng darating na mga eleksyon.

Ang pagboto sa pamamagitan ng koreo ay hindi bago para sa County ng San Diego. Bago ang nagkakaisang desisyon ng Board ng mga Superbisor sa County ng San Diego na lumipat sa Voter’s Choice Act noong Ika-19 ng Oktubre, 2021, mahigit sa 80% ng mga nakarehistrong botante ang naka-sign up upang permanenteng matanggap ang kanilang balota sa pamamagitan ng koreo para sa bawat eleksyon.

Dahil sa malaking bilang ng mga botante na nais bumoto sa pamamagitan ng koreo, napabuti ng Tagapagrehistro ang mga proseso at nadagdagan ang kapasidad nito sa nakalipas na dalawang dekada. Ang opisina ay patuloy na pinamamahalaan ang pagpoproseso ng mga balotang pangkoreo nang tama at secure.

Ang Tagapagrehistro…

  • ay nangontrata ng vendor na kayang hawakan ang malaking kapasidad sa pagpapadala sa koreo
  • ay mayroong isang matagal at matibay na samahan sa mga lokal na representante ng United States Postal Service upang masiguro ang napapanahong pagpapadala at pagbabalik ng mga balotang pangkoreo
  • ay gumawa ng malalaking pamumuhunan upang mapahusay ang pagproseso sa likod (backend)  ng mga balotang pangkoreo, kabilang ang mga makina na mataas ang kapasidad sa paghihiwalay ng mga koreo, digital adjudication, at mga high-speed scanner
  • ay higit pang nagdagdag ng mga awtomatikong makinang pang-extract
  • ay pinalawak ang paggamit ng Sistemang Remote Accessible Vote by Mail na opsyon para sa lahat ng mga botante
  • ay sisimulan ang pagproseso ng mga balotang pangkoreo simula 29 na araw bago ang araw ng eleksyon
  • ay tatanggapin ang mga balotang pangkoreo na may postmark sa araw ng eleksyon hanggang sa 7 araw pagkatapos ng araw ng eleksyon

Mayroong Mga Hakbang Sa Seguridad (Safeguard) Para Sa Pagboto Sa Koreo

Ang pag-safeguard ng integridad ng bawat eleksyon at bawat wastong binotohang balota ay ang pinakamahalaga sa misyon ng Tagapagrehistro ng mga Botante. Lubos na atensyon ang ibinigay sa seguridad ng pagboto sa pamamagitan ng koreo at ang Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng San Diego ay nais na ipagkaloob sa inyo ang lahat ng mga hakbang na ginagawa namin upang masiguro ang proteksyon at integridad ng bawat balota na nabotohan sa pamamagitan ng koreo, kabilang ang pagpapatupad ng kinakailangang mga safeguard, seguridad, chain-of-custody, at mga pagtiyak sa kalidad (quality assurance) ng pamamaraan.

Kabilang Sa Ilang Mga Hakbang Sa Seguridad (Safeguard) Na Ito Ang:

1.  Pag-update ng listahan ng rehistrasyon ng botante araw-araw, lingguhan, at buwanan upang masiguro na ang tamang adres ng tirahan at adres pangkoreo ng botante ang nasa file

2.  Pagtanggal ng mga botante mula sa mga voter roll kapag ang opisina ng Tagapagrehistro ay nakatanggap ng:

  • Impormasyon ng mga pumanaw mula sa Bureau of Vital Records/Statistics
  • Impormasyon mula sa Superyor na Korte o Pederal na Korte na may isang taong nakakulong dahil sa isang peloni
  • Notipikasyon mula sa ibang ahensya ng eleksyon na ang isang botante ay nagparehistro sa kanilang county

3.  Pagpadala ng mga mailer upang malaman kung ang isang tao ay lumipat na. Ang mga botante ay mailalagay sa hindi aktibong status kapag ang ipinadalang koreo para sa eleksyon ay ibinalik mula sa United States Postal Service. Ang mga botante na ito ay hindi makakatanggap ng balotang pangkoreo hangga’t hindi sila nakikipagugnayan sa opisina ng Tagapagrehistro upang kumpirmahin ang status ng kanilang tirahan

Matuto nang higit pa tungkol sa pagpapanatili (maintenance) ng mga listahan ng rehistrasyon ng botante.

Beripikasyon ng Pirma: Ang pangunahing paraan na ginagamit upang tuklasin at iwasan ang fraud ay sa mismong sobre ng balotang pangkoreo. Kapag natanggap na ng opisina ng Tagapagrehistro ang balotang pangkoreo, ang pirma sa labas ng sobreng pagbabalikan ay na-i-check katabi ng pirma na naka-file sa rekord ng rehistrasyon ng botante.

Tina-track ang mga balotang pangkoreo: Ang aming sistema ng pamamahala ng eleksyon ay tina-track ang mga balotang pangkoreo na inisyu sa mga botante. Bilang resulta, ito ay may kakayahan upang maiwasan ang pagbilang ng maramihang balota na na-isyu sa botante. Sa katunayan, kung kailangan namin magpadala ng kapalit na balota sa isang botante, ang orihinal na na-isyu namin ay awtomatikong masususpinde.

Kolaborasyon sa USPS: Ang opisina ng Tagapagrehistro ay malapit na nakikipagtulungan sa United States Postal Service upang masiguro na prayoridad ang mga balotang pangkoreo sa mga tuntunin ng pagpadala sa mga botante at kapag ibinalik sa aming opisina.

Mga USPS collection box at mga opisyal na ballot drop box: Bilang karagdagan sa pinagkakatiwalaan na serbisyo na binibigay ng United States Postal Service, ang Tagapagrehistro ay nagbibigay ng mga lokasyon ng opisyal na ballot drop box sa buong county.

Mga Elektronikong Poll Book (ePoll Books): Kung ang botante ay nakatanggap ng isang balota sa koreo pero mas pinipiling bumoto nang personal sa isang vote center, maaaring hanapin ng manggagawa sa eleksyon ang botante sa ePoll Book upang isuspinde ang kanilang opsyon sa balotang pangkoreo. Pagkatapos mag-check-in, maaari nang bumoto ang botante nang personal sa vote center.

Kung nais ng botante na botohan ang kanilang balotang pangkoreo sa vote center, kailangan muna nila mag-check-in sa ePoll Book.

Ang County ng San Diego ay hindi pa nakaranas ng anumang sistematiko o laganap na pandaraya ng botante, lalo na kung may kinalaman ito sa pagboto sa pamamagitan ng koreo.

Mga Paraan Para Maprotektahan Ninyo Ang Inyong Boto

Pirmahan, i-seal, ibalik ang inyong balota sa isang pinagkakatiwalaang source at i-track ang inyong balotang pangkoreo. Maaari ninyong i-track ang inyong balota sa bawat hakbang sa pamamagitan ng pag-sign-up para sa “Nasaan Ang Aking Balota?”.

Matuto nang higit pa tungkol sa pagboto sa paparating na eleksyon.

Ang paggawa ng pandaraya ng botante ay isang pederal na krimen. Anumang alegasyon ng pandaraya ng botante ay ire-refer sa Opisina ng District Attorney ng County at sa Fraud Investigation Unit ng Secretary of State, na nag-iimbestiga at nagsasakdal.