Mga Madalas na Katanungan (FAQs) para sa mga Kandidato

-
Ano ang Dalawang-Nangungunang (Top-Two) Primaryang Eleksyon?
- Noong Hunyo 2010, inaprubahan ng mga botante ng California ang isang pagbabago sa proseso ng eleksyon para sa mga kontest pangkongreso, pambuong estado, at lehislatura ng estado.
- Noong nakaraan ay bumoto tayo para sa mga kandidatong mula sa mga pampulitikang partido at ang nangungunang nakakuha-ng-boto mula sa bawat isa sa mga partido ay sumulong sa pangkalahatang eleksyon.
- Sa ilalim ng panibagong batas, ang dalawang kandidatong tumanggap ng mga pinakamaraming boto ay susulong sa pangkalahatang eleksyon, anuman ang partidong kinabibilangan.
- Lahat ng mga botante ay maaaring pumili ng sinumang kandidato sa isang primaryang eleksyon anuman ang preperensyang partido ng botante o ng kandidato.
- Ngayon, ang dalawang-nangungunang (top-two) kandidato ay magkalaban sa pangkalahatang eleksyon kahit na sila ay nagmumula sa parehong pampulitikang partido.
-
Paano ko mabeberipika kung saang distrito ako nakatira?
Mangyaring gamitin ang sumusunod na tool: Paghahanap ng Impormasyon ng Inihalal na Representante
Kung humiling ka ng kumpidensyal na katayuan ng botante (confidential voter status) sa ilalim ng Assembly Bill No. 1392 (English Lamang), mangyaring tawagan nang direkta ang aming opisina sa (858) 565-5800 para sa tulong sa pag-check ng inyong rehistrasyon, paggawa ng mga update, pag-track sa inyong balota, o alamin ang mga opsyon sa pagboto.
-
Aling mga katungkulan ang kasali sa eleksyon sa Ika-3 ng Nobyembre, 2026?
Eleksyon Ng Dalawang-nangunguna (Top-two) Para Sa:
- Gobernador
- Tenyente Gobernador
- Sekretarya ng Estado
- Kontroler
- Tesorero (Treasurer)
- Abugadong Heneral (Attorney General)
- Komisyoner ng Insurance (Seguro)
- Superintendente (Superintendent) ng Pampublikong Instruksyon
- Board of Equalization (Lupon ng Pagpapantay) – Ika-4 na Distrito
- Mga Representante ng Kongreso – Ika-48 hanggang Ika-52 na Distrito
- Senado ng Estado – Ika-18, Ika-32, Ika-38 at Ika-40 na Distrito
- Asembleya ng Estado – Ika-74 hanggang Ika-80 na Distrito
- Board (Lupon) ng Mga Superbisor ng County – Ika-4 at Ika-5 na Distrito
- Assessor (Tagatasa)/Recorder (Taga-Rekord)/Klerk ng County
- Treasurer (Tesorero)/Kulektor ng Buwis
- Board (Lupon) ng Edukasyon ng County – Ika-3 at Ika-5 na Distrito
- Grossmont-Cuyamaca Community College – Trustee Area (Lugar ng Katiwala) 5
- San Diego Community College – Distrito A at C
- San Diego Unified School – Distrito B at C
Eleksyon Ng Dalawang-nangunguna (Top-two) Para Sa Mga Sumusunod Na Lungsod:
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring kontakin ang kinauukulang Klerk ng Lungsod (English Lamang).
- Chula Vista – Mayor (Alkalde), Ika-1 at Ika-2 na mga Distrito ng Konseho
- San Diego – Ika-2, Ika-4, Ika-6 at Ika-8 na mga Distrito ng Konseho
Mga Eleksyon Ng Miyembro Ng Board (Lupon) Para Sa:
- Mga Distrito ng Paaralan
- Mga Espesyal na Distrito (Special Districts)
- Mga Grupo sa Pagpaplano ng Komunidad
- Mga Serbisyo sa Komunidad
- Proteksiyon Laban sa Sunog
- Pangangalagang Pangkalusugan
- Irigasyon
- Pampublikong Utilidad
- Tubig
Pangkalahatang Eleksyon Pangmunisipal Para Sa Mga Sumusunod Na Lungsod:
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring kontakin ang kinauukulang Klerk ng Lungsod (English Lamang).
- Carlsbad
- Lemon Grove
- Coronado
- National City
- Del Mar
- Oceanside
- El Cajon
- Poway
- Encinitas
- San Marcos
- Escondido
- Santee
- Imperial Beach
- Solana Beach
- La Mesa
- Vista
-
Kailan ako maaaring tumakbo para sa alinmang katungkulan?
Ang panahon ng paghahain ng kandidatura ay mula Ika-13 ng Hulyo, 2026, hanggang Ika-7 ng Agosto, 2026. Ang mga porma para sa kandidato ay makukuha lamang sa panahong ito, at LAHAT NG MGA PORMA ay dapat makumpleto at maisumite nang hindi lalampas sa ika-5 ng hapon ng Biyernes, Ika-7 ng Agosto, 2026.
-
Ano ang oras ng opisina?
Ang opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante ay magbubukas mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, maliban sa mga holiday.
-
Maaari bang ibang tao ang kumuha ng aking mga dokumento para sa akin?
Oo, ngunit kinakailangan ang isang Porma ng Awtorisasyon. Ang Porma ng Awtorisasyon ay dapat may orihinal ninyong pirma. Hindi tinatanggap ang mga na-scan o ipinadalang kopya sa pamamagitan ng fax. Kung ang awtorisadong tao rin ang magsusumite ng inyong mga dokumento sa nominasyon, ang Pahayag ng Kandidatura ay dapat na notarizado. Pakitingnan ang: Porma ng Awtorisasyon para sa Pangkalahatang Eleksyon sa Ika-3 ng Nobyembre, 2026 (English Lamang).
-
Gaano katagal ang pagkompleto ng mga dokumento?
Aabutin ng humigit-kumulang 50 minuto upang makumpleto ang lahat ng dokumento kung gagawin ninyo ito sa aming opisina. Mayroon kayong opsyon na kunin ang mga dokumento sa aming opisina at ibalik ang mga ito kapag ganap nang napunan. Maaaring mag-iba ang oras ng pagproseso ng inyong mga dokumento depende sa kung gaano katumpak ang pagkakapuno ninyo ng mga porma. Upang maiwasan ang anumang pagkaantala, inirerekomenda naming isumite ang inyong mga dokumento sa pinakamaagang panahon. Mangyaring tandaan na sa mga araw na maraming transaksiyon, partikular sa Ika-13 ng Hulyo, 2026, at Ika-7 ng Agosto, 2026, maaari kayong makaranas maghintay nang hanggang 3 oras.
-
Maaari ko bang ipadala ang aking opisyal na mga papeles sa paghahain
bilang kandidato sa pamamagitan ng fax o email?
Hindi. Kinakailangan ng opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante ang orihinal na mga form na pirmado.
-
Magkano ang mga bayarin sa paghahain?
Walang bayarin sa paghahain para sa Pangkalahatang Eleksyon sa Ika-3 ng Nobyembre, 2026.
-
May iba pa bang bayarin na dapat kong malaman?
Oo. May opsyon kayong magsumite ng Pahayag ng mga Kwalipikasyon ng Kandidato (Candidate Statement of Qualifications) upang mailathala sa Pamplet ng Impormasyon ng Botante (Voter Information Phamplet). Mangyaring sumangguni sa Gabay ng Paghahain ng Kandidato (Candidate Filing Guide) para sa karagdagang impormasyon.
-
Maaari ko bang bayaran ang mga bayarin gamit ang credit card?
Oo, ngunit may karagdagang singil na 2.19%.
-
Maaari ko bang i-update ang aking naisumiteng Pahayag ng Kandidato
(Candidate Statement)?
Hindi, hindi na ito maaaring baguhin pagkatapos isumite maliban kung may utos ng hukuman. Gayunpaman, maaaring bawiin ang Pahayag ng Kandidato (Candidate Statement) bago ang ika-5 ng hapon na deadline sa Biyernes, Ika-7 ng Agosto, 2026.
-
Maaari ba akong magdesisyon na huwag nang tumakbo sa katungkulan
pagkatapos kong maisumite ang aking mga papeles sa nominasyon?
Ang isang kandidato na tumatakbo para sa paaralan, community college, o espesyal na distrito (special district) ay hindi maaaring bawiin ang kanilang Deklarasyon ng Kandidatura (Declaration of Candidacy) pagkatapos ng ika-5 ng hapon sa ika-88 araw bago ang eleksyon (Biyernes, Ika-7 ng Agosto, 2026).
-
Ano ang mga regulasyon sa pagsisiwalat sa pinansiyal (financial disclosure)?
Mangyaring tingnan: Pagsisiwalat sa Pinansiyal ng Kampanya (Campaign Financial Disclosure) o tumawag sa (858) 505-7260 para sa karagdagang impormasyon.
-
May iba pa akong mga katanungan—paano ako makikipag-ugnayan sa inyo?
Maaari ninyong bisitahin, i-email, o tawagan ang aming opisina:
Pisikal na Adres: 5600 Overland Avenue Suite 100, San Diego, California 92123
Paghahain ng Kandidato (858) 505-7260 Email: CandidateFiling@sdcounty.ca.gov
Pagsisiwalat sa Pinansiyal/Kampanya (858) 505-7260 Email: CandidateFiling@sdcounty.ca.gov
Mga Mapa (858) 505-7389
Rehistrasyon ng Botante (858) 565-5800

