I-report ang Pananakot sa Botante

Kung may nakikita kayong sinumang nananakot sa mga botante, nagdudulot ng mga paggambala, o tumututol (challenging) sa mga botante, kontakin ang Tagapagrehistro ng mga Botante sa County ng San Diego sa 858-495-5123 o mag-email sa rovmail@sdcounty.ca.gov.

Gabay sa Mabilisang Reperensiya (English lamang)


Hindi Pinapayagan ang Pangangampanya

Walang sinuman ang maaaring mangampanya sa loob ng 100 talampakan mula sa lugar ng botohan, lugar ng curbside na pagboto, ballot drop box, o saanmang lugar na may mga botanteng nakapila.

Ang mga paglabag ay maaaring humantong sa multa at/o pagkakabilanggo.

Mababasa ninyo ang buong patakaran at impormasyon sa format na PDF.

Mga aktibidad na HINDI pinapayagan sa mga lugar na ito:

  • HUWAG hilingin sa sinuman na bumoto para sa o laban sa anumang kandidato o panukala sa balota.
  • HUWAG ipakita ang pangalan, larawan, o logo ng isang kandidato.
  • HUWAG harangan ang daanan papunta sa, o tumambay malapit sa mga ballot drop box.
  • HUWAG magbigay ng anumang materyales o naririnig na mensahe na sumusuporta o tumututol sa isang kandidato o panukala sa balota malapit sa anumang lokasyon ng pagboto, kabilang ang lugar ng botohan, vote center, o ballot drop box.
  • HUWAG magpakalat ng anumang mga petisyon, kabilang ang para sa mga inisyatiba, referenda, recall, o nominasyon ng kandidato.
  • HUWAG mamahagi, magpakita, o magsuot ng anumang kasuotan o gamit (mga sumbrero, kamiseta, karatula, butones, sticker) na nagpapakita ng suporta o pagtutol sa sinumang kandidato o anumang panukala sa balota.
  • HUWAG talakayin o ipakita ang impormasyon tungkol sa pagiging karapat-dapat ng isang botante na bumoto.

Ang mga patakarang ito ay naitatag sa Elections Code ng California, Artikulo 7, Kabanata 4, Dibisyon 18.

Hindi Pinapayagan ang Pagsira sa Proseso ng Pagboto

Ang paglabag sa mga patakarang ito ay maaaring magresulta sa multa at/o pagkakabilanggo.

Available ang buong patakaran at karagdagang detalye mula sa Secretary of State sa format na PDF.

Mga aktibidad na HINDI pinapayagan:

  • HUWAG gumawa o magtangkang gumawa ng pandaraya sa eleksyon.
  • HUWAG manuhol o subukang impluwensyahan ang isang tao na bumoto o hindi bumoto.
  • HUWAG bumoto nang ilegal.
  • HUWAG bumoto, o tulungan ang iba na bumoto, kung hindi karapat-dapat na bumoto.
  • HUWAG makilahok sa pangangampanya; kunan ng litrato o i-record ang mga botanteng papasok o palabas sa lugar ng botohan; o harangan ang paradahan o daanan.
  • HUWAG tumutol (challenge) ang pagiging karapat-dapat ng isang botante, magpaantala sa pagboto, o magsabi nang hindi totoo sa isang tao na hindi siya karapat-dapat na bumoto o hindi siya rehistrado.
  • HUWAG subukang alamin kung paano bumoto ang isang botante sa kanyang balota.
  • HUWAG magdala o sabihan ang isang tao na magdala ng baril malapit sa lugar ng botohan (may mga eksepsiyon).
  • HUWAG magsuot o sabihan ang isang tao na magsuot ng uniporme ng peace officer, guwardiya, o uniporme ng security malapit sa lugar ng botohan (may mga eksepsiyon).
  • HUWAG pakialaman ang anumang bahagi ng sistema ng pagboto.
  • HUWAG palsipikahin, manghuwad (counterfeit), o baguhin ang mga return ng eleksyon.
  • HUWAG gambalain ang mga naka-post na resulta ng eleksyon.
  • HUWAG pakialaman, sirain, o baguhin ang mga poll list, opisyal na balota, o lalagyan ng balota.
  • HUWAG magpakita ng anumang hindi opisyal na kahon para sa koleksyon ng balota na maaaring manlinlang sa mga botante.
  • HUWAG gambalain ang mga naka-post na resulta ng eleksyon.
  • HUWAG pilitin o linlangin ang isang tao na bumoto nang taliwas sa kanyang intensyon.
  • HUWAG gumanap bilang opisyal ng eleksyon maliban kung kayo ay awtorisado.

Mga Patakaran para sa mga Employer

Hindi maaaring atasan ng mga employer ang mga empleyado na dalhin ang balotang pangkoreo sa trabaho o hilingan silang botohan ang kanilang balota sa trabaho. Hindi rin maaaring maglakip ang mga employer ng mga materyales kasama ng suweldo (paychecks) na makaiimpluwensya sa mga opinyong pampulitika.

Mga Patakaran para sa Board ng Presinto

Hindi maaaring subukang alamin ng mga miyembro ng board ng presinto kung paano bumoto ang isang botante sa kanyang balota, o ibunyag ito kung malaman nila.

Ang mga patakarang ito ay nagmula sa Kabanata 6 ng Dibisyon 18 ng Elections Code ng California.