Porma para sa Suhestiyon ng Vote Center Site

May Suhestiyon para sa isang Vote Center Site?

Kung kayo ay may suhestiyon na sa tingin ninyo ay magiging magandang lokasyon para sa isang Vote Center, mangyaring ilagay ang adres sa mapa para makita kung gaano kahusay tumutugma ito sa mga pamantayan sa pagpili na tinukoy ng estado para sa mga lokasyon ng Vote Center.

Mangyaring ipagbigay-alam na ang huling pagpili sa mga Vote Center ay ibabase sa availability ng lokasyon, pangkalahatang kaangkupan, at sa kakayahang matugunan ang mga pangangailangan na inatasan ng estado.

Para matingnan ang mapa mula sa Center for Inclusive Democracy ng mga pamantayan sa pagpili na tinukoy ng estado para sa mga Vote Center o mga lokasyon ng Ballot Drop Box, i-click ang link o sa mapa sa ibaba.

CID | California Voting Location Siting Tool (cidsitingtool.org)

  • Piliin ang “Lahat ng mga Potensyal na Lugar” para makita ang mga lugar na tumutugon sa minimong populasyon at mga kinakailangan sa imprastraktura o “Mga iminungkahing lugar para sa 4 na araw na mga Lokasyon ng Pagboto” para makita ang mga pinaka ideyal na lokasyon sa mga Vote Center. Ang bawat ½-milyang kuwadrado ay maaaring i-click upang makita ang iskor ng kaangkupan para sa bawat pamantayan na tinukoy ng estado.
  • Para ilagay ang adres, i-click ang magnifying glass icon, i-type ang adres at pindutin ang enter. Makikita ninyo doon kung gaano ito kahusay tumugma sa mga pamantayan sa pagpili na tinukoy ng estado para sa mga lokasyon ng Vote Center.  
  • Para i-navigate sa buong mapa, gamitin ang plus icon para i-zoom in, ang minus icon para i-zoom out, at ang home icon para i-reset ang mapa.
Map of San Diego County voting locations

I-click dito (English Lamang) para matingnan ang mga konsiderasyon at mga kalapitan sa mapa base sa pamantayan na tinukoy ng estado.

Kung nais ninyong mag-suggest ng isang lokasyon ng Vote Center, ilagay ang adres o lokasyon gamit ang link sa Porma para sa Suhestiyon ng Vote Center Site at i-click ang “Isumite.”