Kahilingan para sa Pamalit na Balota sa Pamamagitan ng Koreo
DEADLINE: Ang huling araw upang humiling ng pamalit na balota para sa pagboto-sa-pamamagitan-ng-koreo para sa Ika-1 ng Hulyo, 2025, Unang Superbisoryal na Distrito, Espesyal na Pangkalahatang Eleksyon ay sa Ika-24 ng Hunyo, 2025, bago ang ika-5 ng hapon.
Kung hindi mo pa natatanggap ang inyong balota ng pagboto-sa-pamamagitan-ng-koreo o nawala o nasira ang inyong orihinal, mangyaring makahingi ng pamalit na balota gamit ang alinman sa sumusunod na paraan:
- Humiling ng Pamalit na Balota Online – Hindi kailangan ng printer.
- I-print, kumpletuhin, at ibalik ang inyong Napi-print
na Porma ng Aplikasyon para sa Pamalit na Balota, kasama ang
pirma ng botante, at ibalik ito sa Tagapagrehistro ng mga Botante sa
pamamagitan ng:
- I-email: vbmreplacement@sdcounty.ca.gov
- I-fax : (858) 505-7294
- Sa Personal: Bisitahin ang Tagapagrehistro ng mga Botante mula Lunes hanggang Biyernes, ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.
- Ipakoreo: Registrar of Voters, P.O. Box 85520, San Diego, CA 92186-5520
- Tumawag sa Tagapagrehistro ng mga Botante sa (858) 565-5800 o toll-free sa (800) 696-0136
Kung gusto ninyong bumoto nang personal, maaari kayong bumisita sa alinmang vote center sa buong County:
- Simula Sabado, Ika-21 ng Hunyo, pitong mga vote center ang magbubukas araw-araw mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon hanggang sa pinal na araw ng pagboto sa Martes, Ika-1 ng Hulyo, kung saan ang labintatlong mga vote center ang magbubukas mula ika-7 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi.
Aplikasyon upang Magbigay ng Balotang Pagboto-sa-pamamagitan-ng-Koreo sa Representante
Kung hindi ninyo personal na makuha ang pamalit na balota para sa pagboto-sa-pamamagitan-ng-koreo, maaari kayong magtalaga ng isang representante upang makuha ito para sa inyo.
- I-print at kumpletuhin ang Aplikasyon upang Magbigay ng Balotang Pagboto-sa-pamamagitan-ng-Koreo sa Representante, kasama ang pirma ng botante, at ipabalik ito ng inyong representatnte nang personal sa Tagapagrehistro ng mga Botante (EC 3014(b)).