Voter’s Choice Act

Boses mo. Pili mo!
Sa ilalim ng Voter’s Choice Act (VCA), kayo ang pipili kung kailan, saan at paano kayo boboto. Ang bawat aktibong rehistradong botante sa County ng San Diego ay awtomatikong makakatanggap ng isang balota sa koreo nang halos isang buwan bago ang Araw ng Eleksyon. Kapag natanggap na ninyo ang inyong balota, maaari ninyong ibalik ito:
- Sa pamamagitan ng koreo
- Sa isang secure na Lokasyon ng Ballot Drop Off
- Sa isang Vote Center na malapit sa inyo
IPAKOREO ITO.
IHULOG ITO.
BUMISITA.

Ano ang Vote Center?
Pinalitan ng mga Vote Center ang mga lugar ng botohan. Maaari kayong bumoto nang personal sa alinmang Vote Center sa County ng San Diego. Ang ilang mga Vote Center ay magbubukas ng 11 araw at ang lahat ng mga lokasyon ng Vote Center ay magbubukas ng 4 na araw, kabilang ang Araw ng Eleksyon.
Ang mga Vote Center ay nag-aalok ng isang buong-serbisyong karanasan sa pagboto:
- Bumoto gamit ang isang accessible na ballot marking device
- Makatanggap ng tulong sa pagboto, kabilang ang tulong sa maramihang wika
- Magparehistro para makaboto or mag-update ng inyong rehistrasyon at bumoto sa parehong araw
Bakit Nagbago?
Ang Board ng mga Supervisor ng County ng San Diego ang nag-direkta sa Tagapagrehistro ng mga Botante para lumipat sa modelo ng Voter’s Choice Act sa Ika-19 ng Oktubre, 2021.
Anong Kailangan Kong Malaman
Inyong Gabay sa Pagboto sa County ng San Diego – Brochure
Mga Pampublikong Paunawa at Higit Pa
PLANO NG ADMINISTRASYON NG ELEKSYON
Pinal na Plano:
Binagong Plano ng EAP:
Binagong Plano ng EAP - Filipino
Draft na Plano:
