Impormasyon sa Eleksyon

Ika-4 ng Nobyembre, 2025, Espesyal na Eleksyon
Sa ilalim ng Batas ng Pagpili ng Botante sa California, bawat aktibong rehistradong botante sa County ng San Diego ay makatatanggap ng isang balota sa koreo sa linggo ng Ika-6 ng Oktubre, 2025, para sa espesyal na eleksyon.
Ang mga botante sa buong estado ay magpapasya kung tatanggapin ang Proposisyon 50, isang pagbabago sa Konstitusyon ng Estado na may kaugnayan sa muling pagdidistrito. Alamin pa ang tungkol sa Espesyal na Eleksyon sa Buong Estado:: Sekretarya ng Estado ng California.
Dagdag pa rito, ang mga botanteng naninirahan sa Ika-2 Distrito ng Konseho ng Lungsod ng Poway ay magkakaroon ng karagdagan katanugan sa kanilan balota. Ang mga botante ng Ika-2 Distrito ng Poway ang magpapasya kung babawian, aalisin (tatanggalin) ang kanilang nahalal na representante sa konseho ng lungsod mula sa kanyang tungkulin. Tanging ang mga botante lamang na naninirahan sa Ika-2 distrito ang may karapatang bumoto sa kontest na ito. Hanapin ang inyong distrito.
- Kung ang mayorya ng mga botante ay bumoto ng “hindi,” ang recall ay mabibigo, at mananatili sa tungkulin ang nahalal na opisyal sa opisina.
- Kung ang mayorya ng mga botante ay bumoto ng “oo,” ang nahalal na opisyal ay tatanggalin sa opisina, at mananatiling bakante ang posisyon hanggang sa ito ay mapunan alinsunod sa batas.
Suriin ang inyong rehistrasyon bilang botante upang kumpirmahin ang inyong tirahan (at mailing address, kung iba). Kung kailangan ninyong gumawa ng pagbabago, maaari ninyong i-update ang inyong rehistrasyon online.
Narito ang inyong mga opsyon sa pagboto:
Ang bawat aktibong rehistradong botante ay makakatanggap ng isang balota sa koreo sa linggo ng Ika-6 ng Oktubre.
- Maaari ninyong kumpletuhin ang inyong balota sa ginhawa ng
inyong tahanan, pirmahan at petsahan ang inyong sobreng
pagbabalikan, i-seal ang inyong nakumpletong balota sa loob, at
ibalik ito sa pamamagitan ng koreo sa alinmang mga opisyal na ballot
drop box:
- IPAKOREO ITO: Ibalik ito kaagad ito sa pamamagitan ng U.S. Postal Service, o
- IHULOG ITO: Simula Martes, Ika-7 ng Oktubre, kayo ay magkakaraoon ng opsyon na ihulog ang inyong balota sa alinman opisyal na ballot drop box ng Tagapagrehistro na matatagpuan sa buong county.
-
BUMISITA: Kung mas nais ninyong bumoto nang personal, ang
opsyon na iyon ay available rin. Samantalahin ang isa sa sampung
araw ng maagang pagboto nang-personal!
- Simula sa Sabado, Ika-25 ng Oktubre, ang mga piling vote center na maginhawang matatagpuan sa buong county ay magbubukas araw-araw mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.
- Simula sa Sabado, Ika-1 ng Nobyembre, ang lahat ng Vote center ay magbubukas araw-araw mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon hanggang Ika-3 ng Nobyembre.
- Sa pinal na araw ng pagboto, Martes, Ika-4 ng Nobyembre, ang lahat ng vote center, mga opisyal na ballot drop box, at opisina ng Tagapagrehistro ay magbubukas mula ika-7 ng umaga hanggang ika-8 ng gabi.


Ano ang Kailangan Kong Malaman
I-tsek ang Inyong Rehistrasyon
Mag-sign Up para sa, Nasaan ang Aking Balota?


Mga Pampublikong Paunawa at Marami Pang Iba
BABALA: IPINAGBABAWAL ANG PANDARAYA SA PROSESO NG BOTOHAN!
Mga Ipinagbabawal na Aktibidad sa Panahon ng Proseso ng Eleksyon


Ano ang nasa Aking Balota?

Mga Paparating na Eleksyon:
Ika-2 ng Hunyo, 2026, Direktang Primaryang Eleksyon sa Buong Estado

