Palomar Community College District
Kayo ba ay naninirahan sa Palomar Community College District?
Kung oo, basahin ito.
Tinatantyang 110,00 na mga rehistradong botante ang makakakita sa kontest ng Palomar Community College District (PCCD) Trustee Area 4 sa kanilang balota sa Ika-8 ng Nobyembre na Pangkalahatang Eleksyon
Tanging ang mga naninirahan sa Trustee Area 4 sa ilalim ng mga boundary ng distrito bago ang muling pagdidistrito ng 2022 ang maaaring bumoto upang punan ang puwesto para sa natitira sa kasalukuyang apat-na-taong termino na magtatapos sa Ika-13 ng Disyembre, 2024. Nasasakupan ng mga boundary ng distrito ng Trustee Area 4 bago ang muling pagdidistrito ang Lungsod ng Poway, ang mga hilagang-silangang bahagi ng Lungsod ng San Diego, at ang mga unincorporated na pamayanan kasama ang ngunit hindi limitado sa Barona, Borrego Springs, Julian, Pala, Rainbow, Ramona, at Valley Center.
Humigit-kumulang sa 23,000 ng mga botanteng ito ang magkakaroon ng dalawang kontest ng Trustee Area sa kanilang balota. Isa upang punan ang puwesto sa Trustee Area 4 para sa natitira sa kasalukuyang termino, at ang pangalawang kontest ng Trustee Area ay upang punan ang bagong termino na magsisimula sa Disyembre ng taong ito.
Pupunan ng mga kontest para sa Trustee Area 1 at 5 ang mga bagong apat-na-taong termino at tanging ang mga botanteng naninirahan sa mga lugar na ito sa ilalim ng 2022 na mga boundary ng distrito ang boboto upang punan ang mga puwestong ito.
Ang mga boundary ng distrito ay binago alinsunod sa 2020 Census, kung kaya ngayon maaari na kayong tumira sa ibang distrito.
I-click dito upang hanapin ang inyong mga distrito at inihalal na mga representate.
Mga Eleksyon sa Palomar Community College District Trustee Area (sandiegocounty.gov)
Palomar Community College District - Flyer