Aplikasyon para sa Pamalit na Balotang Pagboto-sa-pamamagitan-ng-Koreo
Kung hindi ninyo natanggap ang inyong balota ng pagboto-sa-pamamagitan-ng-koreo o kung nawala o nasira ninyo ang inyong orihinal na balota ng pagboto-sa-pamamagitan-ng-koreo, maaari kayong mag-aplay nang nakasulat para sa isang pamalit na balota ng pagboto-sa-pamamagitan-ng-koreo. Ang aplikasyong ito ay dapat kumpletuhin at pirmahan ng botante.
Ang Aplikasyon para sa Pamalit na Balotang Pagboto-sa-pamamagitan-ng-Koreo ay available dito: Filipino (PDF).
Mangyaring kumpletuhin, i-print, pirmahan at ibalik ang inyong Aplikasyon para sa Pamalit na Balotang Pagboto-sa-pamamagitan-ng-Koreo gamit ang isa sa mga sumusunod na opsyon:
Email: I-click Dito upang isumite ang inyong nakumpleto, pinirmahan, at na-scan na Aplikasyon.
Sa Personal: Registrar of Voters
5600 Overland Ave, Suite 100
San Diego,
CA 92123
Koreo: Registrar of Voters
P.O. Box 85520
San Diego, CA 92186-5520
Fax: (858) 505-7294
Aplikasyon upang Magbigay ng Balotang Pagboto-sa-pamamagitan-ng-Koreo sa Representante
Sa panahon na kayo ay hindi makakuha ng pamalit na balotang pagboto-sa-pamamagitan-ng-koreo nang mag-isa, maaari kayong magtalaga ng isang representante upang makuha ang balotang iyon.
Ang Aplikasyon upang Magbigay ng Balotang Pagboto-sa-pamamagitan-ng-Koreo sa Representante ay matatagpuan dito: Filipino (PDF). Ang aplikasyong ito ay dapat pirmahan ng botante at personal na isumite sa Opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante ng inyong representante. (EC 3014(b)).